Bakit nga ba kailangan nating mga nanay gumising ng mas maaga? Pwede naman gumising tayo na kasabay ng mga anak at asawa natin. Maraming dahilan kung bakit at ang nakasulat sa baba ay ilan lamang kung bakit hindi tayo pwedeng gumising ng late na. Ito po ay base lamang sa aking mga karanasan at nararanasan bilang Nanay. But there is a rule of exemption pwede naman gumising ng late lalo na kung ikaw ay may kasama sa bahay na pwedeng gumawa ng mga basic house chore natin bilang mga nanay ng tahanan.
So, Ito na nga po Bakit nga ba hindi ako pwedeng gumising ng late?
1. Kailangan kong magsulat ng schedule and goals ko for today. My notebook prayers din po ako na daily ko sinusulat. Nagsisilbing meditations ko bago simulan ang araw.
2. Kailangan nakapagluto na at nakalinis na ng bahay kasi ang anak ko naman ang priority ko pag gising na sya. We have morning routine like walking and playing outside for 1-2 hours. Before breakfast.
3.Syempre bilang nanay kailangan tayo mag-ayos muna ng sarili natin, minsan naliligo na kagad ako pagka gising before mag exercise (indoor taebo) kailangan natin ito para mamaintain ang glow at emotional or mental health natin. Bukod sa physical health ang pag eexercise ay nakakatulong sa atin para maka-pagisip tayo ng tama kahit pagod na tayo. Hindi tayo agad madradrain lalo kapag medyo makulit ang kids natin.
4. Dapat naka ready na ang mga gagamitin ni mister tulad ng uniform at baon bago pumasok sa work.
5.Syempre take a minute for rest or coffee para pag gising nila mukang hindi ka pagod at ready ready ka na salubungin sila ng magandang umaga at pagsilbihan sila ng iyong pagmamahal. (Oh diba?)
First-time mom po ako. 2 years old and 7 months na ang anak ko. And I'm sharing this tips according only with my experience. Hopefully, kahit paano may na impart po ako sa inyo mga inay's.
really nice inay.love lots
ReplyDeleteSalamat po :)
Delete